Share It

Lunes, Pebrero 19, 2018

Bomb expert ng teroristang NPA timbog sa raid!







Dahil sa pinaigting na pagsugpo ng mga militar at kapulisan sa mga teroristang NPA, nahuli nila ang isang high profile bomb expert ng NPA.


Kinilala ang bomb expert na si Kevin Bulayo Nilo, alias Glen.

Naaresto ang suspek matapos maglabas ng warrant of arrest si Judge Bonifacio Ong. Sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng Quirino Police, Maddela Police, ope­ratiba ng 86IB at 502nd Brigade ng Philippine Army at ang Quiniro Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nahuli si Nilo sa kanyang tahanan sa Brgy. Jose Ancheta, Maddela, Quirino.

Nakuha kay Nilo ang malalakas na 12 piraso ng anti-personnel bomb, walong anti-tank bomb na kayang wasakin ang isang military tank, 14 na bomb detonator, 1 cal. 45 na may 2 magazine at mga bala, sari-saring mga subersibong dokumento, 1 laptop na naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon at ibat-ibang bomb accesories

Itinanggi naman ito lahat ni Nilo. Saad niya iniwan lamang ito sa kanya sa pag-aakala  na gamot ito.


Samantala, kinumpirma ni Chief Supt. Jose Mario Espino, police regional director ng Cagayan Valley na isa si Nilo sa mga rebeldeng sumalakay sa Maddela police station noong April 29, 2017 na tumangay sa mga armas nila at napatay ang ilan sa mgakapulisan. Dagdag ni Espino, si Nilo pala ay dating medic officer ng mga komunistang NPA at nagpakadalubhasa sa Mindanao sa paggawa ng bomba bago siya naging high profile “blasterman” sa ilalim ng Venerando Villacillo Command ng rebeldeng NPA.

Nakuha rin kay Nilo ang isang hotline cellphone na pag-aari ng polisya ng Maddela police.

 Sa pahayag ng militar, sinabi ni  B/Gen Perfecto  Rimando Jr, Commanding General ng 5th Infantry Division na si Nilo ay nakilala rin sa pamamagitan ng mga larawan na nakuha sa isang USB drive na nabawi ng mga operatiba ng 86th Infantry Battalion sa isang sagupaan laban sa mga rebelde sa Maddela.

Source: Philstar